Saturday, 18 April 2015

BUKBOK: Isang Mensahe sa Pamunuan ng DepEd


Nakamamangha ang mga hakbang na isinasagawa ng DepEd upang pataasin ang antas ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa kasalukuyan ay mas mataas na ang hinihingi sa mga aplikante sa pagkaguro. May minimum na puntos na kailangang maabot ang mga aplikante. Kung dati ay 55 ang minimum, ngayon ay 70 na. Napakalaki ng 15 na puntos na iyon at alam kong mahirap itong habulin.


Hindi man ako aplikante, alam ko ang hirap. Naroon akong nakasaksi sa hirap ng mga aplikante noong nakaraang taon. Tiyak kong walang pinagkaiba o di kaya ay kaunti lamang, kung mayroon man.


Sa kabila nito nakababahala rin na sa taas at dami ng requirements at nagagawa ng ibang aplikante na dayain ang kanilang mga dokumento. Isang halimbawang karaniwang makikita sa dokumento ng mga aplikante ay pinekeng sertipiko bilang katibayan na sila ay may sapat na training. Lubang nakababahala. Habang may mga naghihirap para maabot ang hinihingi ng DepEd, may mga nandaraya naman. Matamaan na ang matamaan. Isang maikling tula para sa matatamaan.



Ang bato na sa langit nagmula
sadyang masakit kung sa'yo tumama
saan ka man tamaan tiyak kong ito'y mamumula
ikubli mo man, balik sa'yo ay karma.


Kahit anong pagpapataas ng standards ng DepEd ay mawawalan din ng saysay. Mismong mga implementer/administrator na tumatao sa selection board ay walang sapat na ginagawa upang iberipika ang mga dokumento. Alam kong mahirap at matrabaho kung iisa-isahin ang mga aplikante. Pero SANA may gawin pa rin silang preventive measures upang sa ganoon ay maiwasan at mabawasan, kung hindi man mawala, ang ganitong kabulastugan. Hindi ko alam kung sila ay nagbubulag-bulagan lang.


Paano pa aayos ang sistema ng edukasyon? Paano pa mahahasa ang mga kabataan? Paano magiging mabubuting indibidwal ang mga estudyante? Paano...kung ang mga matatanggap na aplikante sa pagkaguro ay mismong nandaraya? Nasaan ang kredibilidad? Naturingang teachers--ayaw sa cheaters, galit sa cheating--pero sila mismo cheaters. Kung papansinin ay parehong titik ang bumubuo sa salitang teacher at cheater. Ang saklap.




Hindi ko alam kung ganito na noon pa ang sistema. Subalit ngayong ako na mismo ang saksi, hindi ko magawang magkibit-balikat. Nasusuka nga ako. Walang magbabago sa sistema kung magpapatuloy ito. Ang masaklap, baka mas lumala pa at patuloy na bumagsak ang kalidad ng edukasyon na matatamasa ng mga kabataan. Mawawalan din ng saysay ang K-12 Program kung ganito ang iiral na sistema.


Hindi sa nilalahat ko ang mga guro at aplikante. Subalit ano ang katiyakang hindi karamihan ganoon? May iilan akong kakilala na nagsisikap na mag-comply sa requirements pero may mga nababalitaan rin akong nandaraya. Ano ang kasiguraduhan na ang mga matatanggap at susunod na guro ay nagtataglay ng magagandang katangian gaya ng CREDIBILITY at COMPETENCE? Nakakaawa ang mga nagsisikap at tunay na may maibubuga kung ang matatanggap ay 'yong mga mandaraya.


Ano ang katiyakang hindi kakalat o dadami ang bukbok sa sistema?



*image from https://www.flickr.com/photos/juliusbelen/

Kahit ano pang ganda at tibay ng istrukturang ipapatong kung ang pundasyon ay bulok, guguho at guguho ito.

Friday, 4 July 2014

Ilusyonadang Asyumera (Part III): Makalipas ang Dalawang Taon

[Sequel ng Ilusyonadang Asyumera (Part II) at Ilusyonadang Asyumera (Part I)]

Matagal ring naglaro sa aking haraya
na maging in a relationship ang status nating dalawa.
Sa wakas!

Ayos na sana.
'Yon nga lang, hindi tayo.
Nauna pa akong nagkaroon ng karelasyon bago pa kita nakilala.
Pero kahit pa ganoon ang status ko noon,
naisip ko pa ring posibleng magka-tayo. 
Hanggang sa nagdaan ang mga araw, linggo, buwan at taon,
nawala rin ang lahat ng ilusyon ko tungkol sa atin.
Nawala ka na sa eksena.
Masayang masaya na ako sa piling niya
at sa saya ko ay hindi na kita kailanman naiisip pa.

Syempre, joke 'yon.
Naiisip pa rin naman kita.
Paminsan-minsan.
Naalala kita kapag may nababanggit na salitang magpapaalala sa'yo.
Naaalala kita bilang ka-Isko, kaibigan at kaklase.
At hanggang doon na lang 'yon...hindi katulad noon.

Halos dalawang taon na ang nakalipas.
Akala ko hindi na kita muling iisipin pa (as in sasadyaing isipin).
Akala ko wala ka na sa aking gunita.
Akala ko limot ko na ang nakaraan natin.
Akala ko wala na ang dating pagtingin.

Subalit isang umaga,
paggising ko ay mayroong nagbago.
Isang panaginip ang nagtama sa lahat ng maling akala.
Panaginip na nagpaalala sa akin kung anong mayroon tayo noon.
IPanaginip na nagpanumbalik ng damdamin ko para sa'yo.

Ganoon katindi ang mga pangyayari sa panaginip ko
para baguhin ang lahat
at ibalik ang nakalipas.

Sa aking panaginip tayo ay magkasama.
Masayang naglalandian.
Masayang naghaharutan.
Di nagtagal ay nagbago ang aura sa paligid natin.
Tinanong kita,
"Bakit siya?". 
Tumawa ka lang.

"Ako na lang,"
sabi ko na para bang ako ang karakter ni Bea Alonzo sa One More Chance.
"Huwag na lang siya."

Pakiramdam ko ay akin ka.
Sobrang malapit tayo sa isa't isa.
Naglalandian pa rin kahit pa bumigat ang pakiramdam ko
at tila may namumuong tensyon.

"Hindi pwede 'yon," sinabi mo habang nakatawa.
Ang sakit.
Ang saya.
Nakakalito.
Nasaktan akong malamang wala akong puwang sa'yo.
Tulad dati.
Walang tayo.
Hindi pwedeng maging tayo.
Dahil sa kanya.
Sa kabila nito ako'y nasisiyahan.
Natutuwa akong makitang ang aliwalas ng iyong mukha.
Para bang ang saya-saya mo.

Nagising ako sa katotohanan.
Kailangan ko na palang bumangon at maghanda.
Kung hindi ay maleleyt ako.

Pagdating sa trabaho, online agad.
Hinanap kita sa facebook.
Nais kong masilayan ang iyong mukha.
Nakita kita.
Kasama mo siya.
Masaya kayo.
Kita ko ang mga pileges sa paligid ng iyong mga matang nakangiti,
marka ng tunay na kasiyahan
habang ikaw ay kanyang hinahalikan sa pisngi.

Paano kaya kung ako siya?
Ganyan din kaya ang masisilayan sa'yong mukha?
Paano kung tayo na lang?
Pwede kaya?
Pwede ba?
Papayag ka ba kung wala siya at kung wala rin ang aking siya?

Ganito na lang ba?
Mananatili ba akong ilusyonada?
Asyumera?

Tiyak akong hindi masasagot ang mga tanong ko.
Kung sana lang ay nababasa mo ang mga ito.
Malalaman mo kung bakit ako nananatiling
ILUSYONADANG ASYUMERA.


Wednesday, 22 January 2014

Ilusyonadang Asyumera (Part II): Kahit pa...Basta Makita Lang Muli

[Sequel ng Ilusyonadang Asyumera (Part I)]

Lumipas ang isang taon. Ang bilis pero ang tagal.

Ambilis. Andaming pangyayari. Andami ng nangyari. Andaming nagbago.


Antagal. Antagal kong hinintay na makita kang muli, magparamdam kang muli--hindi man sa personal sapat na sa akin sa birtwal na mundo. Antagal kong walang balita sa'yo. Hanggang sulyap na lang, nag-aabang kung may nagbago ba sa page mo. Makailang ulit ko ring ginawa ito sa loob ng isang taon. Umasa na muli kang magparamdam, kahit hindi sa akin, kahit hindi dahil sa akin o kahit hindi para sa akin. Na isang araw mag-update ka. Kaso wala.


Buti na lang may kamukha ka rito sa lugar kung saan ako nagtatrabaho. Naaalala kita tuwing nakikita ko siya. Tanong sa sarili: Kumusta na kaya siya? Anyare na kaya? Bakit kaya hindi siya tumuloy sa PGH?

Andaming tanong. Wala namang mahanap na sagot.

May mga pagkakataong hindi na lang ako nagbubukas ng facebook. Baka kasi maalala kita at bisitahin ko ang page mo tapos ma-frustrate lang ako. Isang araw, nakita ko na lang iba na ang profile picture. Ganyan na pala itsura mo. Tumaba ka ng kaunti. Parang ako. Binisita ko ang page mo, nagbabaka sakaling may makuha pa akong karagdagang update. Nabasa ko nga ang palitan ng komento tungkol sa litrato mo. Ang dami nga eh. Tapos noon ko rin lang nalaman na noong Disyembre nang nakaraang taon ay nagpalit ka ng profile picture. Sabi ko sa sarili ko, "Sana nalaman ko ng mas maaga." Kaso...Eh ano?


Na-miss lang talaga kita. Malamang hindi mo ako nami-miss o naaalala man lang. Kahit pa.


Nag-aalangan ako. Nangangamba. Baka... Wala... Baka hindi mo lang ako pansinin. Pero kahit pa. Ilang dram ng lakas ng loob ang inipon ko para lang magpadala sa'yo ng mensahe. Umaasa na sumagot ka kahit "Oks lang." Malaman kong ayos ka, ayos na rin ako.


Wala akong ibang magawa kung hindi ang balikan ang nakaraan, ang palitan natin ng mensahe at mga litrato. Sana hindi ko binura ang mga mensahe mong "paramdam" at banat. Ibang klaseng samahan at pagkakaibigan meron tayo noon...na nawala na ngayon.


Nagsisisi ako na hindi kita kinulit noon. Na hindi ako nag-effort na kamustahin ka. Sana hindi ako natakot na baka dedmahin mo ako. Sana naisip ko noon na ayos lang madedma, maiparating lang na naalala kita. Sana hindi ako nahiya. Sana hindi ko inisip na baka bigyan mo ng ibang kahulugan. Sana.


Nami-miss na talaga kita. Natutuwa akong makitang  "buhay" ka ulit. Hindi ka man magparamdam sa akin, ayos lang. Pero mas ayos kung sumagot ka sa mensahe ko. :D Kahit ano pa, maramdaman lang kita muli...makita ka lang muli, kaibigan.


Monday, 27 February 2012

:( sakripisyo


Friday, March 11, 2011 at 8:27pm




kailangan nating tandaan na tama na magmahal ng isang tao.
masaya kung mahal ka rin niya.
eh panu kung hindi?
panu kung may iba siyang mahal?

mali na masaktan ka kung wala naman siyang sinabing mahal ka rin niya pero kung umasta ka parang niloko ka.

eh panu kung sinabi niyang mahal ka rin niya pero ang totoo hindi? panu kung naaawa lang pala siya sa'yo?

tama na masaktan ka kung sinabi niyang mahal ka rin niya pero niloko ka.

kung mahal mo talaga siya, pabayaan mo na lang siya. pakawalan mo.
baka mas sumaya siya sa piling ng iba kaysa sa piling mo.

mas nanaisin mo bang makita ang mahal mong malungkot sa'yo kaysa makita siyang masaya sa iba?

sakripisyo ang tawag doon.

POTANG ENANG ENGLESH YAN O!


 Friday, April 1, 2011 at 12:29am

I don't know how i would feel for this poor thing--este tao pala.
I wanted to laugh at how she constructs her sentences. I wanted to mock her for what she has been writing. Is she sure she attended grade school? WTH!
I wanted to mock her but I just can't help myself from feeling sorry.
I pity you.
You're trying too hard. couldn't you just use our own language instead? I guess it's better that way, at least you could express youself better. Duh.

Ano ba ang meron ang wikang Ingles? Bakit marami ang nahuhumaling dito? Bakit ito mas tinatangkilik kaysa sa sarili nating wika?
Hindi ba't mas maganda kung magpapakabihasa tayo sa paggamit at pagsalita ng ating sariling wika kaysa sa mapahiya at mapagtawanan dahil sa mali-maling paggamit ng wikang banyaga?

COLONIAL MENTALITY, layuan mo kami.

Oo nga't mahusay ang wikang ingles, pero hindi nangangahulugang hindi mahusay ang wika natin.
Mahusay lang naman ang ingles dahil ito ang universal language na tinatawag, dahil ito ang gamit na lenggwahe sa internet, sa pagtuturo, sa magazines.
Kaya rin namang maging mahusay ng wika natin. Bakit kaya hindi natin ito gamitin, tangkilikin,linangin at higit sa lahat mahalin?

Sa katunayan ay itinuturo ang wikang Filipino sa mga unibersidad sa ibang bansa tulad ng Japan at Hawaii. Kulang tayo sa tinatawag na KAALAMAN at PAGMAMAHAL kaya hindi natin ito naa-appreciate.

Mayroon rin mga misyonaryong dayuhan na pumupunta sa bansa. At kung magsalita sila ay sa wika natin. Kung sila nga kayang gamitin at mahalin ang wika natin, tayo pa kaya?

Isip-isip.

Bakit nga ba Ingles?
Kasi it gives you  a certain degree of authority and YABANG, higit sa lahat. PWE!

Kahit kailan hindi mataas ang tingin ko sa mga taong gumagamit ng ingles para itaas ang sarili.
Sa katunayan pa nga ay mababa ang tingin ko sa kanila at ikinahihiya ko.
sabi nga ni Dr. Jose P. Rizal (o, baka hindi niyo kilala yun), mas mabaho/malansa pa sa isda ang taong di magmahal sa sariling wika.

Kung ganun, malansa ka rin ba? Di yan kaya ng ligo-ligo lang.

B-I-T-C-H


bakit masaya ka?

masaya rin naman ako eh.
pero mas sasaya ako kung never ka ng sasaya--
oo, makasarili ako.
pero gusto ko lang namang maranasan mo ang sakit na dinulot mo.
na hanggang ngayon ramdam ko pa.

bakit ganoon kadali para sa'yo?

alam mo ba kung gaano kahirap para sa'kin?
oo, dalawang taon na halos pero andito pa rin at di mawala--
alaala mong walang dinalang maganda sa akin
kundi pait at pighati.

pinipilit ko naman eh.
pero sadyang kaypangit ng pangyayari at ng MUKHA MO
kaya't hirap akong limutin ang lahat.
ANG SAKIT.
noon at ngayon parang walang pinagbago.

turuan mo naman ako kung paano mo nagagawa ang lahat ng ito matapos ng ginawa mo sa akin?
pinag-aralan mo rin ba 'yon o likas na sa iyo?
malamang likas na sa'yo 'yon. EXPERT ka na nga eh.
Well, kahit sino naman sigurong MALANDI.

kaso hindi ako katulad mo eh--BITCH!
kung BITCH man ako sa lagay na ito, ano ka na?

Saturday, 25 February 2012

Anyayare?

Away. Bati. Away. Bati.

Ganyan ang drama natin. Katatapos lang maayos ang isang tampuhan, may susunod na naman na pag-aawayan. Kung tutuusin maliliit lamang na bagay ang dahilan ng ating di pagkakaunawaan. Lumalaki na lang ang gusot kapag nadamay-damay na ibang gusot hanggang sa maungkat na ang mga nakaraang gusot na dati naman ay naplantsa na.

Ang hirap kasi makasarili tayo. Sariling damdamin ang nangingibabaw. Kahit alam naman ang rason ay hindi pa rin natin iniintindi. Paulit-ulit lang. Kahit gaano pa kaganda ang eksplanasyon, lagi pa ring may pambara. Nakikinig nga pero lumalabas naman sa kabilang tenga. Nakikinig nga pero sarado naman ang isipan.

Nagsisisihan. Nagpapasahan. Nakakasawa rin kaya.

Nauunawaan naman kita. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo. May mali ako. At ganoon ka rin. Alam mong magkaiba tayo ng gampanin sa buhay. Alam kong alam mo 'yan. Sabi mo pa nga nauunawaan mo. Anyare ngayon?

Ipinaliwanag ko lahat sa'yo ang mga problema ko, ang mga isyu ko sa buhay, ang mga gusto at ayaw ko. Umayon ka naman dito at ginusto mong magkaayos tayo. Sinabi mo nauunawaan mo. Sinabi mo susundin mo ang demands ko. Sinabi mo gagawin mo ang lahat para lang maging karapat-dapat.

Pero ano na? Anyare?

Ang dami mong hindi tinupad. Alam mong praktikal akong tao. Hindi lang puso ang pinaiiral ko--isip. Iniisip ko ang magiging kinabukasan ko dahil una sa lahat ayaw kong matulad sa pamilyang nakagisnan ko. Alam mong maraming nakapatong sa balikat ko. Akala ko makakatulong kita sa pagpasan. Anyare? Isa ka pa ngayon sa pasanin ko.

Sana umpisa pa lang sinabi mong si Darna ang gusto mo. Hindi kasi ako siya.

Tao lang ako. Napapagod.

At ano na ang mangyayari sa atin? Aayaw na tayo?

Akala ko dati sigurado na ako sa'yo. Hindi na pala. Sabi mo kasi...ayaw ko ng balikan. Nakaka-frustrate. Sorry ha? Ang demanding ko lang. Pero sinusuklian ko naman. Ibinigay ko naman ang lahat ng kaya kong ibigay. Alam kong kulang pa. Pero alam mo ang rason kung bakit.

Naisip ko lang, baka ibalik mo sa akin ang sinabi kong "Sana umpisa pa lang sinabi mong si Darna ang gusto mo." Uunahan na kita. Hindi naman si Superman o si Captain Barbel ang hanap ko. Sapat na ang pagiging responsable para sa akin--isang katangian ng lalaking gusto kong makita dahil hindi ko ito nakita sa taong sana ay haligi ng pamilya ko at gumagabay sa akin.

Sabi mo hindi ka niya katulad. Kita ko naman eh. Kaso...hindi sapat na hindi mo siya tinutularan.

Sinabi ko naman na marami akong demands Sinabi ko rin na ang kailangan ko ay 'yong tutupad noon. Tinanggap mo ang hamon. Pero anyare?

Ano na? Sumusuko ka na? Aayaw ka na? Sana hindi mo na lang ako pinaasa. Paano na? Ano ang mangyayari? Mauuwi na lang ba ang lahat sa wala? Masasayang lang ba ang lahat?

Anyayare?




Sunday, 19 February 2012

Ilusyonadang Asyumera


Ilusyon lang ba o totoong kasama kita kanina?

Touchy akong tao. Gustung-gusto kong humahawak sa iba. 'Yong tipong pinipisil-pisil at dinudutdut-dutdot ang mga braso at tiyang malalambot dahil mataba. Nakakatuwa kaya. Nakakagigil. Lalo na kung sa'yo ko ginagawa. Sa ganitong paraan lang naman kita nilalandi.

Malandi ako. Totoo 'yon at di ko ipinagkakaila. Nilalandi mo rin naman ako eh--'yan ang gusto kong isipin at pakiramdam ko. Kaya nga nare-reinforce at patuloy ang panlalandi ko sa'yo.

Ayaw ko sanang bigyang-kahulugan ang mga kinikilos mo. Kaso sumasaya ako kapag iniisip kong may gusto ka rin sa akin. Na kaya ka ganoon kumilos, na kaya ka ganoon makitungo sa akin dahil gusto mo ako. Na kaya mo ako hinahayaang landiin ka kasi gusto mo naman. 

At sa aking palagay ay may sarili ka ring paraan ng panlalandi. Akala mo hindi ko pansin? Ang pasimpleng paghawak mo sa aking kamay para kunwari pigilan ako sa pagpisil ng tiyan mo? Ang pasimpleng paghawak mo sa aking kamay para tulungan akong huwag mabitawan ang laboratory specimen? Ang pasimpleng pagsambit ng mga banat o pick-up line? "Maganda", "takaw-tingin", at "panggatong"--ilan lang naman 'yan sa mga hindi ko malilimutang ginamit mong pambanat. Akala mo ba hindi ko alam? Kahit "sweet" ka sa iba pa nating kaibigan, alam kong iba ang pagiging "sweet" mo sa akin dahil MAS.

Sabihin mong mali ako at ititigil ko na ito. Pero hangga't wala kang sinasabi, hangga't pakiramdam ko patuloy ang pagpaparamdam mo, hindi ako titigil sa ilusyon kong ito.


021712

Mas tumindi pa ang nararamdaman ko para sa'yo dahil sa mga nangyari sa araw na ito. Kwentuhan kahit na abala at hirap sa paghahanap ng mga ugat. Landian kahit may talakayan sa klase. Paglalakad na nauwi sa food trip. Food trip na nauwi sa pagtambay sandali at kwentuhan. At paglalakad muli hanggang sa ihatid mo ako sa sakayan.

Hindi ko talaga malilimutan ang araw na ito. Ang mga sandaling tayo'y naglalakad. Hindi man magkahawak ang ating mga kamay, sapat nang kasama at katabi kita. Sapat nang maramdaman kong gusto mo akong makakwentuhan. Na kahit may mga pagkakataong dead air na dahil nauubusan na ng mapag-uusapan ay nariyan tayong nagngingitian na lamang. Sapat nang maramdaman kong nais mo akong sabayan sa paglalakad.  Sapat ng maramdaman kong nais mo pa akong makasama nang matagal-tagal. At napatunayan ko 'yan nang unti-unting bumagal ang ating paglalakad hanggang sa halos isang hakbang kada segundo na lamang ang pag-usad natin. Higit pang napagtibay ang pakiramdam kong ito nang walang anu-ano'y pumayag kang kumain nang ayain kita. Isang paraan na rin iyon upang kita'y higit pang makasama at lubusang makilala. Nais kong magpasalamat dahil naging bukas ka sa akin (SA WAKAS!) at nagkuwento tungkol sa nangyari sa iyo kahapon. Ilang beses din kitang pinilit at hindi ko inakalang mapapakwento ka nang tumambay na tayo habang kumakain. Nakakatuwa talaga! At mas natuwa pa ako nang pakiramdam ko ay ayaw mo pang umuwi at iwan ako. Sinamahan mo pa ako hanggang sa sakayan at hindi ka umalis hangga't hindi ako nakakasakay. Pakiramdam ko ay ayaw mong humiwalay sa akin nang mga pagkakataong iyon.

Salamat sa panahon. Salamat sa paghatid sa akin. Alam kong naabala ka pa dahil sa layo ng nilakad mo pabalik sa sakayan mo. Salamat sa pakiramdam na idinulot mo.

Sana nga lang ay hindi lamang pakiramdam ang lahat. Sana totoo na lang. O di kaya'y sana tama ako. Hindi ko alam kung paano ko ihihiwalay ang katotohanan sa ilusyon dahil una sa lahat hindi ko alam ang katotohanan, kung ano nga ba ang mayroon sa ating dalawa.

Hindi ko naman hangad na maging tayo. Alam kong imposible. Alam kong gusto kita. Pero di ko alam kung gusto mo rin ako. Ganoon pa man, gusto ko 'yong pakiramdam kapag kasama kita. Napapasaya mo ako. Sana napapasaya rin kita. Iniisip mo rin kaya ang nangyari kanina o kaya ako

Nag-iilusyon na naman ata ako.

Monday, 13 February 2012

Laws of Love. Ay, Gestalt pala!


Gestalt laws and principlesLove? Sa isang photoblog? Pwede ba ‘yon? Pwede mag-complain muna? Ang hirap kasi.

Ayan. Okey na. Nakapag-complain na ako.

Ilang araw kong pinag-isipan kung anu-anong larawan ang maaari kong ilagay na magpapakita ng Gestalt laws and principles na may kinalaman sa love. February pa naman, buwan ng pag-ibig, pero parang di ako makaisip ng mga bagay na tungkol sa pag-ibig.

Hindi ko matiyak kung swak ang mga naisip ko, ang mga kinunan ko ng larawan at ang mga hiniram kong larawan sa paksa ng photoblog na ito. Pero sana oo.
...


Law of Similarity 
"Similar things appear to be grouped together."1 
Sa mga cupcakes na ito, na magandang ibigay sa taong minamahal ngayong Valentine's Day lalo na 'yong may toppings na puso, makikita ang law of similarity.
 ...

Photo by Art Nover Fabia.
Law of Familiarity
“...things that form patterns that are familiar or meaningful are likely to become grouped together”1
Ang mga braso ay bumuo ng isang pattern na pamilyar tayong lahat, 
isang simbolong makahulugan. Puso.

...





Law of Common Fate
"Things that are moving in the same direction appear to be grouped together."1
Sa larawang ito, patungo sa iisang direksyon ang dalawang indibidwal, sa altar.
Common fate nga naman! Nakatadhana sila para sa isa’t isa. <3






...



Law of Closure 
"We tend to perceptually close up, or complete, objects that are not, in fact, complete."2
Kahit pa hindi buo ang naka-“pintura” sa pader ay nakikita pa rin ito bilang puso.
Broken nga lang. :( 
Panahon ang kailangan upang ito’y maghilom at magkakaroon din ng closure ang bagay-bagay. 




...

Law of Pragnanz
Every stimulus pattern is seen in such a way that the resulting structure is as simple as possible.”1


Kung sa libro, ang Olympic symbol ang ginamit na example, Sogo naman ang sa akin. Tadaa!
Nababasa pa rin natin ang nag-o-overlap na S-O-G-O bilang "Sogo".





SOGO. Where lovers go.
('Yan na lang sana ang kanilang tagline kaysa "SO CLEAN...SO GOOD!
HAHAHA!)


...

Gestalt at Love? Pwede!

Pahabol lang:

Habang naglalakad kami ni Dwight sa Acad Oval ay pinag-usapan namin kung paano at ano ang ilalagay sa blog na ito. Nang matapat kami sa College of Engineering, may nakita si Dwight sa dinadaanan naming pavement. Ito lamang ang naiiba sa lahat ng nakasulat (naka-engrave) sa pavers tulad ng Ganito-ganyan Family, So-and-so Family, Class 19-kupong-kupong, at iba pa. Sadyang nakakatuwa ito dahil hindi mo aakalain, at least kami hindi namin inakala, na may mababasang ganoon doon.

Nakita niyo na ba ito? Kung hindi, subukan ninyong hanapin. :D 


1. Goldstein, E. B. (2010), Sensation and Perception (8th ed.). CA: Wadsworth.
2. Sternberg, R. J. (2011) Discovering Cognitive Psychology.Singapore: Cengage Learning Asia Pte. Ltd.
* Sogo logo from http://quezonavenue.com/wp-content/uploads/2009/09/hotel-sogo-quezon-avenue.jpg